MANILA, Philippines – Nagkarambola ang pitong sasakyan sa España Boulevard sa Maynila nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 11.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng preno ang bus dahilan para mabangga nito ang mga sasakyan na nasa unahan nito.
Binabagtas ng bus ang España Boulevard bandang alas-7 ng gabi at nawalan ito ng preno dahilan para mabangga nito ang isang SUV, isang minivan, dalawang motorsiklo at dalawang jeepney.
Nagtamo naman ng seryosong pinsala sa katawan ang tatlong indibidwal habang ang pito ay nagtamo ng minor injury.
Nagdulot din ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar ang insidente.
Nahaharap ang drayber ng bus sa reklamong reckless imprudence resulting in physical injuries at damage to property. RNT/JGC