MANILA, Philippines – Umakyat na sa 35 ang bilang ng mga nasawi sa nasunog na pampasaherong barko na MV June Aster sa Coron, Palawan.
“Joint authorities reported an initial count of 30 cadavers recovered on board MV June Aster today, September 11, 2026, following the declaration of fire out and subsequent safety assessment,” saad sa pahayag ng Philippine Coast Guard nitong Biyernes, Setyembre 11.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, ang retrieval at paglilipat ng mga bangkay ay nagsimula bandang 5:16 ng hapon gamit ang BRP Cape Engaño (MRRV-4411).
Ang mga bangkay ay ibibiyahe patungong Port of Borac sa Coron, Palawan ngayong araw.
Inaasahang darating ang labi ng mga biktima sa pantalan alas-11 ng umaga.
Bago ang pagkakarekober sa mga katawan, mayroon lamang limang kumpirmadong patay at 43 na nakaligtas. RNT/JGC