Home NATIONWIDE Trough ng LPA, Habagat nakakaapekto sa bansa

Trough ng LPA, Habagat nakakaapekto sa bansa

4
0

MANILA, Philippines – Apektado ng trough ng low pressure area ang kanlurang bahagi ng Northern Luzon, habang Habagat naman ang umiiral sa Central at Southern Luzon.

Ayon sa PAGASA, ngayong Sabado, Setyembre 12 ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya dahil sa trough ng Low Pressure Area.

Ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol Region naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here