Home NATIONWIDE Pinas nanawagan sa Tsina, itigil na mga iligal na aktibidad sa Mischief,...

Pinas nanawagan sa Tsina, itigil na mga iligal na aktibidad sa Mischief, Subi reefs

2
0

MANILA, Philippines – NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Tsina na itigil na ang ilegal na pag-okupa at mga aktibidad sa Panganiban Reef (Mischief Reef) at Zamora Reef (Subi Reef), pinapanatili ng Pilipinas na gamitin ang sovereign rights at hurisdiksyon nito sa mga nasabing lugar.

Ito’y matapos na i-ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na ilang flare ang pinakawalan ng People’s Liberation Army (PLA) ng China laban sa isang walang armas na PCG aircraft na nagsasagawa ng maritime domain awareness flight sa Kalayaan Island Group (KIG) nitong linggo.

Ayon sa PCG, hinarang sa radyo ng Chinese forces na nakapuwesto sa Zamora (Subi) Reef ang eroplano bago ito lumapag sa Pag-asa Island noong Setyembre 7. Ganito rin ang ginawa ng Chinese forces sa Panganiban (Mischief) Reef.

Sa dalawang insidente, sinabi ng PCG aircrew sa radyo na labag sa international law ang presensya ng Chinese forces sa mga reclaimed feature.

Sa kabilang dako, ilegal na sinasakop ng puwersa ng intsik ang Panganiban (Mischief) Reef.

Binigyang diin ng departamento na ang island-building ng Tsina sa parehong bahura ay paglabag sa Republic Act No. 12064 o Philippine Maritime Zones Act, at maging sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), na kinumpirma ng 2016 arbitral award.

“We call on China to cease its illegal occupation and activities in Panganiban Reef and Zamora Reef immediately, and to abide by the final and binding 2016 Arbitral Award,” ayon sa DFA.

SInabi pa ng DFA na ang island-building ng Tsina ay “does not change the features’ legal status as a low-tide elevation.”

“As low-tide elevations, the Philippines exercises sovereign rights and jurisdiction over the features, and these can neither be the subject of a sovereignty claim nor capable of appropriation under international law,” ang sinabi pa rin ng departamento.

Dahil dito, nangako ang DFA na patuloy na igigiit ang “sovereignty, sovereign rights, at jurisdiction” ng Pilipinas sa West Philippine Sea, at itutulak ang lehitimong karapatan at interes ng bansa sa maritime domain. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here