Home NATIONWIDE Manibela magkakasa ng tigil-pasada sa Setyembre 14-15

Manibela magkakasa ng tigil-pasada sa Setyembre 14-15

1
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng tigil-pasada ang transport group na Manibela bilang protesta sa tuloy-tuloy na taas-presyo sa produktong petrolyo.

Sa video post nitong Biyernes, Setyembre 11, sinabi ni Manibela chairman Mar Valbuena na magdaraos sila ng transport strike sa Setyembre 14 hanggang 15.

Binatikos ni Valbuena si Energy Secretary Sharon Garin sa bigong pagpigil ng ahensya sa epekto ng taas-presyo sa produktong petrolyo.

Tinukoy din niya ang mga umano’y iregularidad sa fuel subsidy para sa mga tsuper.

“Yung ayuda na fuel subsidy the P12 kada litro sa gasolinahan, kami pa ang sinisingil ng mga gasolinahan, kinokonsensya,” sinabi ni Valbuena.

“Na hindi daw binabayaran ng Landbank yung subsidy na ibinibigay sa tsuper.”

“Baka abutin na ito ng P20 ang increase at aabot na sa mahigit na P100 ang presyo nito,” sinabi pa niya.

“Nasaan na ang fare increase? Buti pa ang pondo na hinihingi n’yo sda Kongreso umaabot sa P300 billion. Paldong paldo!” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here