Home NATIONWIDE PNP naghahanda na sa mga rally sa anibersaryo ng Martial Law

PNP naghahanda na sa mga rally sa anibersaryo ng Martial Law

3
0

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa mga inaasahang rally at aktibidad sa Setyembre 21, o anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong 1972.

Dahil dito ay inatasan na ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang local police units na paigtingin ang intelligence monitoring at paghahanda ng mga sapat na tauhan at kagamitan para sa mga pagtitipon.

Ani Nartatez, ang police deployment ay tututok sa pagpapanatili ng kapayapaan habang pinoprotektahan ang karapatan at kaligtasan ng mga nagpoprotesta at publiko.

“The instruction is clear and simple: There should be a sufficient number of policemen in all protest sites and to ensure the safety and security of everybody, including the protesters themselves,” saad sa pahayag ni Nartatez.

“They have the right to assemble and air their concerns and our duty is to balance the respect and recognition for those rights, and our mandate to maintain peace and order and in keeping everyone safe and secure,” dagdag pa niya.

Matatandaan na isinagawa noong nakaraang taon ang mga kaparehong kilos-protesta dahil sa mga anomalya sa flood control projects.

Naging marahas pa ang ilan sa mga ito matapos pagbabatuhin ng mga kabataang nakamaskara ang mga pulis.

Layon umano ng presensya ng pulisya na maiwasan ang mga ganitong insidente.

Nagpaalala naman si Nartatez sa mga grupo na nagpaplanong magsagawa ng kilos-protesta na kumuha ng kaukulang permit at sumunod sa mga umiiral na regulasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here