Home NATIONWIDE Conditional amnesty sa loose firearms target ng DILG

Conditional amnesty sa loose firearms target ng DILG

1
0

MANILA, Philippines – Ikinokonsidera ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbibigay ng amnesty sa mga may-ari ng loose firearms na nagsuko ng kanilang mga armas basta’t ang mga ito ay walang kaugnayan sa anumang krimen.

Ito ang ipinanukala ni DILG Secretary Jonvic Remulla kasabay ng budget presentation ng ahensya sa Senate Committee on Finance noong Huwebes.

Aniya, ang amnesty ay makatutulong sa mga awtoridad na makuha ang malaking bilang ng mga hindi rehistradong armas na kumakalat sa mga komunidad.

“If there are two million firearms on the loose right now and 98 percent of the crimes are committed through these, then we will grant an amnesty and determine whether these firearms were used in the commission of crimes,” ani Remulla.

Sa ilalim ng panukala, ang mga isinukong armas ay aalamin kung ito ay ginamit sa paggawa ng mga krimen.

Samantala, muling ipinanawagan ni Remulla sa Kongreso na bisitahin ang Republic Act No. 8294, isang batas noong 1997 na nagpababa ng penalty para sa pagkakaroon ng iligal na armas at pinayagan ang reklamong ito na maging bailable.

Ayon sa DILG chief, ang mas mahigpit na parusa ay maaaring magresulta sa pagkakaaresto ng mas maraming indibidwal na sangkot sa illegal firearms possession.

“We estimate that in the 42,000 barangays, if we arrest two per barangay, that’s 84,000, but if given that chance (repealing the Robin Padilla law), we will arrest 150,000 more criminals and take them off the streets,” aniya.

Pumapasok umano ang loose firearms sa mga komunidad sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan gaya ng locally manufactured weapons at illegal importation. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here