Home NATIONWIDE Lalaki arestado sa baril at bala sa Cavite

Lalaki arestado sa baril at bala sa Cavite

2
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang naaresto makaraang makunan ng baril at bala sa isinagawang search warrant operation ng Naic Police sa Brgy Bucana Sasahan ng nasabing bayan.

Ayon sa nakalap na impormasyon, kinilala ang suspek na si alyas na “Tole,” residente ng nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, bandang 12:36 ng tanghali nang ihain ng mga tauhan ng Naic MPS, katuwang ang Quick Reaction Team 4 at mga intelligence operative, ang search warrant na inisyu ng Executive Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Naic, Cavite.

Nakumpiska sa operasyon mula sa pag-iingat ng suspek ang isang caliber .38 revolver at tatlong bala ng caliber .38.

Magsasagawa naman ng balistic examination ang Cavite Forensic Group kaugnay sa narekober na baril habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here