MANILA, Philippines – Patuloy na makaaapekto ang easterlies sa extreme Northern Luzon ngayong Linggo, na magdadala ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan at mga isolated rain showers o thunderstorms sa Batanes at Babuyan Islands, ayon sa PAGASA.
Bahagyang maulap hanggang maulap din ang kalangitan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.
Nagbabala ang PAGASA na maaaring magkaroon ng flash floods at landslides sa panahon ng malalakas na thunderstorms.
Katamtaman hanggang mahina ang hangin mula northeast hanggang east sa extreme Northern Luzon, habang bahagya hanggang katamtaman ang alon sa karagatan, na nasa 1.2 hanggang 2.1 metro ang taas.
Sa nalalabing bahagi ng bansa, mahina hanggang katamtaman ang hangin mula northeast hanggang northwest, habang nasa 0.6 hanggang 1.5 metro ang taas ng mga alon. RNT/MDS