Home NATIONWIDE Age verification sa social media, gaming platforms sinusuri ng CICC

Age verification sa social media, gaming platforms sinusuri ng CICC

3
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagsusuri sa mga umiiral na polisiya para sa age verification sa social media at gaming platforms kasunod ng panawagan para sa mas mahigpit na proteksyon sa mga menor de edad.

Ayon kay CICC Executive Director Renato “Aboy” Paraiso, layunin nitong makahanap ng pinakamainam na sistema para maprotektahan ang mga bata nang hindi kinakailangang ibunyag nila ang kanilang pagkakakilanlan.

“Privacy does not equate to identifiability. In the discussion of child safety, we also have to acknowledge the fact that we must also go after the predators, we must also go after the groomers, and in order for that to happen, we need to identify them,” ani Paraiso.

Inihayag ito ni Paraiso matapos ang isang town hall meeting kung saan nanawagan ang mga stakeholder ng mas mahigpit na hakbang para sa kaligtasan ng mga bata sa social media at gaming platforms.

Dumalo sa pulong ang mga kinatawan ng government agencies, organisasyon at digital safety advocates bilang paghahanda sa pagbuo ngayong buwan ng technical working group (TWG) kasama ang Meta at Roblox.

Layunin ng TWG na bumuo ng mas mahigpit na direktiba laban sa online child grooming, fraud at iba pang mapaminsalang aktibidad ng anonymous users.

Binigyang-diin ng mga kalahok na dapat matukoy ng age assurance kung kabilang ang user sa isang partikular na age group habang nililimitahan ang personal information na kailangang ibahagi.

Sinabi ni Paraiso na pag-aaralan ng TWG ang legalidad, due process, data minimization at technical architecture ng ipinanukalang sistema. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here