Home NATIONWIDE Cayetano siblings, balik-Pinas matapos Singapore trip

Cayetano siblings, balik-Pinas matapos Singapore trip

1
0

MANILA, Philippines — Nakabalik na sa Pilipinas sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano matapos ang ilang araw na biyahe sa Singapore na umani ng espekulasyon sa social media.

Sa Facebook post ni Alan Peter pasado alas-11 ng gabi nitong Sabado, Setyembre 12, ibinahagi niya ang larawan nila ni Pia at sinabing dapat ituon ang pansin sa mga problema at oportunidad ng bansa sa halip na sa “intriga at politika.”

Kinumpirma rin ni Pia sa hiwalay na post na nakabalik na sila matapos ang tinawag niyang “short but productive trip.”

Umalis ng bansa ang magkapatid noong Setyembre 9. Nauna nang kinumpirma ng Bureau of Immigration na wala silang hold departure order o derogatory record na hahadlang sa kanilang pagbiyahe.

Nauna ring sinabi ni Pia na nagtungo siya sa Singapore upang suportahan ang Philippine national padel team sa tune-up matches nito bago ang Asian Games.

Naging sentro ng espekulasyon ang kanilang biyahe kasabay ng ilang political at investigative issues, kabilang ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa umano’y iregularidad kaugnay ng 2019 Southeast Asian Games, kung saan nagsilbing chairman ng organizing committee si Alan Peter.

Bago ang kanilang pagbabalik, sinabi rin ni NBI Director Melvin Matibag na maikli lamang ang biyahe ng magkapatid at inaasahang makakauwi sila sa bansa sa weekend. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here