MANILA, Philippines — Suspendido ang face-to-face classes sa ilang paaralan sa Pampanga simula Lunes, Setyembre 14, dahil sa epekto ng pagbaha.
Sa Santo Tomas, walang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan mula Setyembre 14 hanggang 19. Lilipat muna ang mga mag-aaral sa online o alternative learning modes.
Samantala, online classes naman mula Setyembre 14 hanggang 18 sa mga sumusunod na paaralan sa San Simon kabilang ang Dela Paz Elementary High Integrated School, Dela Paz High School, San Simon Elementary School, San Simon High School, San Pedro Elementary School, San Pedro High School, San Juan Elementary School, Sto. Niño Integrated School, San Miguel Integrated School, Sta. Cruz Elementary School, San Agustin Integrated School at Sta. Monica Elementary School.
Wala namang klase sa San Isidro Elementary School at San Pablo Elementary School.
Pinapayuhan ang mga magulang at estudyante na bantayan ang mga susunod na abiso mula sa kani-kanilang lokal na pamahalaan at paaralan para sa posibleng pagbabago sa class arrangements. RNT