Home HOME BANNER STORY 2-day transport strike vs taas-presyo ng langis, umarangkada na

2-day transport strike vs taas-presyo ng langis, umarangkada na

3
0

MANILA, Philippines — Sinimulan ng transport group Manibela nitong Lunes, Setyembre 14, ang dalawang araw na nationwide transport strike bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Nagtipon ang mga miyembro ng grupo sa Philcoa sa Commonwealth Avenue, Quezon City habang nananatiling normal ang biyahe sa ilang pangunahing kalsada sa Maynila sa unang bahagi ng umaga.

Patuloy pa ring namamasada ang maraming jeepney sa España Boulevard at mga rutang patungong Quiapo, Recto, Buendia, Vito Cruz, Libertad at Taft Avenue.

Iginiit ng Manibela na nababawasan nang malaki ang kita ng mga driver dahil sa mataas na gastusin sa krudo. Hinihiling ng grupo ang pansamantalang suspensyon ng buwis sa petroleum products, mas madaling access sa fuel subsidy at pagsusuri sa mga umiiral na polisiya sa oil industry.

Kasabay nito, panibagong oil price hike na aabot hanggang P5 kada litro ng gasolina ang inaasahan ngayong linggo, habang maaaring tumaas ng P2 hanggang P2.50 kada litro ang diesel.

Ilang unibersidad sa Maynila, kabilang ang University of Santo Tomas, Far Eastern University at Adamson University, ang nagsuspinde rin ng face-to-face classes dahil sa transport strike. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here