MANILA, Philippines — Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala siyang direktang tugon sa mga batikos ni Vice President Sara Duterte laban sa kanya, kasunod ng panawagan nitong magbitiw siya sa puwesto.
“She’s very angry. I suppose with what’s happening to her. And I am the target of that anger,” sinabi ni Marcos sa mga reporter sa sidelines ng BRICS Summit sa India.
“What can I do? You cannot force anyone to love you,” dagdag niya.
Noong Biyernes, nanawagan si Duterte sa isang pagtitipon sa Quezon City na magbitiw si Marcos sa pagkapangulo.
“Patuloy tayong manawagan ng paglayas ng problema ng ating bayan na ang pangalan ay Bongbong Marcos. Resign! Umalis ka diyan!” ani Duterte.
Nahaharap ngayon ang Bise Presidente sa impeachment trial sa Senado at sa grave threats case sa Quezon City court.
Ipinagpaliban ang kanyang arraignment matapos maghain ng mosyon ang kanyang kampo. Kris Jose