Home NATIONWIDE P2.19-M tanim na marijuana, binunot sa Ilocos Sur-Benguet border

P2.19-M tanim na marijuana, binunot sa Ilocos Sur-Benguet border

80
0

ILOCOS SUR — Mahigit P2.19 milyong halaga ng marijuana plants ang binunot at sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa dalawang araw na operasyon sa border ng Ilocos Sur at Benguet.

Isinagawa ang operasyon noong Setyembre 10 at 11 sa lugar sa pagitan ng Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur at Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet.

Ayon sa mga awtoridad, nasa 10,960 fully grown marijuana plants ang natagpuan sa tinatayang 1,760-square-meter plantation. Batay sa Dangerous Drugs Board valuation, nagkakahalaga ang mga ito ng P2.192 milyon.

Walang naarestong cultivator sa operasyon.

Patuloy namang bineberipika ng mga awtoridad ang pagmamay-ari ng lupang pinagtamnan at tinutukoy kung sino ang responsable sa pagtatanim ng marijuana.

Sinabi ni PDEA Region 1 Director Julius Paderes na ipagpapatuloy ng ahensya ang marijuana eradication operations upang maputol ang supply ng ilegal na droga sa pinagmumulan nito.

Inihahanda rin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga hindi pa nakikilalang cultivator dahil sa paglabag sa Section 16, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here