Home METRO 3 wanted arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Cavite

3 wanted arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Cavite

2
0

MANILA, Philippines – Tatlong wanted person na nahaharap sa magkakaibang kasong kriminal ang naaresto ng mga pulisya sa magkakahiwalay na isinagawang operasyon sa General Trias, City Cavite.

Sa report ng pulisya, naaresto ang isang most wanted person na nasa listahan ng regional level, isang wanted person na kabilang sa provincial level, at isang lalaking may kinakaharap na kaso ng acts of lasciviousness.

Sa ulat ng pulisya, unang naaresto dakong alas-3:20 ng hapon sa Barangay Bagumbayan ang 25-anyos na si alyas “Joshua” na most wanted person sa regional level.

Base sa pulisya, inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong rape na may Criminal Case No. R-PSY-19-05110-CR.

Inisyu ang warrant of arrest ng Regional Trial Court (RTC), Branch 113, Pasay City, sa ilalim ni Acting Presiding Judge Bonifacio S. Pascua, na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya.

Dakong alas-9:15 naman ng gabi nang madakil sa Barangay Manggahan, si alyas “Ricky”, 48-anyos, na kabilang sa listahan ng most wanted persons sa provincial level.

Si Ricky ay may kinahaharap na kasong rape sa ilalim ng Article 266-A (2), kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code, batay sa Criminal Case No. TMCR-1454-26-GT.

Ang warrant of arrest ay inilabas ng RTC Branch 130, Trece Martires City, sa ilalim ni Presiding Judge Gaysol Cayaman Luna, na may piyansang P200,000.

Samantala, dakong alas-10:15 ng gabi nang masakote naman sa Barangay Pasong Kawayan 2 si alyas “Erwin”, 42-anyos, si Erwin ay inaresto rin sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong acts of lasciviousness na may Criminal Case No. M-MNL-20-01428-CR, na inilabas ng Metropolitan Trial Court Branch 8, Maynila, sa ilalim ni Presiding Judge Michelle G. Divina-Delfin.

Nakatakda naman sa P36,000 ang piyansa para sa kasong kinakaharap nito.

Nasa kustodiya na ng General Trias City Police Station ang mga naarestong suspek. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here