Home NATIONWIDE Marcos, binuksan Malacañang sa libo-libong Pinoy para sa birthday ‘salo-salo’

Marcos, binuksan Malacañang sa libo-libong Pinoy para sa birthday ‘salo-salo’

1
0

MANILA, Philippines — Binuksan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Malacañang sa libo-libong Pilipino nitong Lunes, Setyembre 14, para sa “Salo-Salo sa Palasyo” bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-69 na kaarawan.

Bagama’t Setyembre 13 ang aktuwal na kaarawan ng Pangulo, isinagawa kinabukasan ang pagtitipon sa Palace grounds kung saan mahigit 9,000 bisita ang inaasahang nakilahok. Kasabay nito ang mga salu-salo sa 90 satellite locations sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Naglaan si Marcos ng oras sa Kalayaan Grounds upang batiin at makisalamuha sa mga dumalo matapos ang maikling programa.

“Thank you for all you’ve done to support me and the work that we are doing,” ani Marcos.

Kabilang sa mga inimbitahan ang persons with disabilities, senior citizens, public school students, supporters, vloggers at mga empleyado ng Office of the President.

Tampok sa programa ang food tents, cultural performances at iba pang aktibidad para sa mga bisita.

Ayon sa Malacañang, hango ang pagtitipon sa tradisyong Pilipino ng “salo-salo,” kung saan nagsasama-sama ang pamilya at komunidad upang magbahagi ng pagkain at palakasin ang samahan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here