Home METRO Pagbomba, napigilan bago mag-botohan sa Basilan

Pagbomba, napigilan bago mag-botohan sa Basilan

3
0

BASILAN — Narekober at ligtas na pinasabog ng mga awtoridad ang isang improvised explosive device (IED) sa Lamitan City ilang oras bago magbukas ang mga polling precinct para sa BARMM parliamentary elections nitong Lunes.

Ayon sa Lamitan City Police Station, natagpuan ang IED dakong alas-1:15 ng madaling araw sa Barangay Balobo sa isang intelligence-driven operation ng pulisya at militar.

Isinagawa ng Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit ang controlled detonation ng bomba dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Ayon sa police report, binubuo ang IED ng electronic blasting cap, humigit-kumulang isang bar ng TNT, cellphone keypad, nine-volt battery terminal, mga pako, plastic receptacle at mga wire.

Isinumite sa forensic unit ang mga nakuhang ebidensiya para sa chemical analysis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng tangkang pambobomba at kung may kaugnayan ito sa halalan.

Samantala, nanawagan sina Basilan Bishop Leo Dalmao at Gov. Mujiv Hataman para sa mapayapa, maayos at malinis na botohan sa lalawigan.

Mahigit 248,000 rehistradong botante ang inaasahang bumoto sa Basilan sa kauna-unahang BARMM parliamentary elections. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here