Home NATIONWIDE Halos 600K housing units, naibigay simula July 2022 – PBBM

Halos 600K housing units, naibigay simula July 2022 – PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Tinatayang halos 600,000 housing units ang naibigay sa buong bansa sa ilalim ng flagship Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) program ng administrasyon simula July 2022.

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos pangunahan ang turnover ceremony ng housing unit certificates sa 333 benepisaryo ng Disiplina Village Arkong Bato sa Valenzuela City.

“Gaya ng sinabi ko noong nakaraang SONA, puspusan nating pinupuno ang kakulangan sa pabahay sa ating bansa,” ayon sa Pangulo.

“Asahan ninyo na patuloy na magtutulungan ang pambansang pamahalaan, mga lokal na pamahalaan, mga komunidad, at pribadong sektor upang maipagpatuloy ang marami pang programa sa pabahay,” aniya pa rin.

Tiniyak ng Pangulo na nananatiling committed ang administrasyon na ipinid ang housing gap at bigyan ang low-income families ng ligtas at sustainable community.

Sinabi pa nito na sa pamamagitan ng housing units, mabibigyan nito ang mga informal settler families ng “greater security” partikular na sa panahon ng tag-upan at pagbaha habang pinanatili ang mga ito na mas malapit sa mahahalagang serbisyo gaya ng ospital at eskuwelahan.

Nanawagan naman ang Pangulo sa mga benepisaryo na ingatan ang kanilang bagong bahay at gamitin ito bilang pundasyon ng kinabukasan ng kanilang pamilya.

“Nawa’y sa mga tahanang ito ay mapalaki ninyo nang maayos ang inyong mga anak at maipagpatuloy ang mga pangarap na matagal ninyong pinagsisikapang abutin,” aniya pa rin.

Ang Disiplina Village Arkong Bato ay isang proyekto ng National Housing Authority, isang pinakamahalagang shelter agency ng Department of Human Settlements and Urban Development, sa ilalim ng Expanded 4PH program.

Ang proyekto ay dinisenyo para magbigay ng 960 housing units para sa kuwalipikadong mga informal settler family na apektado ng mandamus ng korte Suprema na linisin ang Manila Bay at iyong mga nakatira sa peligrosong lugar sa Valenzuela City.

Sinasabing may 9 na gusali ang nakompleto sa ilalim ng Phase 1, 2 at 3, bumubuo sa 333 units. Ang relokasyon ng mga benepisaryo ay nagsimula noong April 2026.

Samantala, pinangunahan din ng Pangulo ang panibagong milestone event sa ilalim ng Expanded 4PH program sa Caloocan City. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here