Home NATIONWIDE Higit 12,000 sumalang sa 3-araw 2026 Bar Exam

Higit 12,000 sumalang sa 3-araw 2026 Bar Exam

3
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 12,010 sa 12,029 examinees ang nakatapos sa tatlong araw na 2026 Bar Examinations, na itinuturing na bagong record para sa pinakamaraming nakatapos sa kasaysayan ng Bar, ayon sa Supreme Court nitong Martes.

Isinagawa ang pagsusulit sa 15 local testing centers sa buong bansa noong Setyembre 6, 9 at 13.

Ayon kay Bar Chairperson at Associate Justice Samuel Gaerlan, sulit ang hirap at puyat ng mga examinee sa kabila ng hamon ng pagsusulit.

“The difficult days and the sleepless nights, they were all worth it,” aniya.

Sa unang araw, Political and Public International Law at Commercial and Taxation Laws ang mga asignatura. Civil Law, Land Titles and Deeds, Labor Law at Social Legislation naman ang sakop sa ikalawang araw.

Remedial Law at Legal and Judicial Ethics naman ang mga pangunahing asignatura sa ikatlo at huling araw.

Sa turnover ceremony, pormal nang ipinasa ni Gaerlan kay Associate Justice Ricardo Rosario ang pangangasiwa ng Bar examinations, na siyang magiging susunod na chairperson.

Ayon kay Rosario, magiging gabay sa susunod na Bar exams ang tatlong prinsipyo—regional, responsive at relevant.

“We will have a Bar exam that rewards analytical thinking and sound legal judgment over the mechanical recall of isolated rules, and shall reflect the legal problems encountered in contemporary Philippine society.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here