BULACAN, Philippines – Isang makabuluhan at makasaysayang pagdiriwang ang hatid ng Singkaban Festival 2026 kasabay ng paggunita sa ika-128 anibersaryo ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos.

Pinangunahan nina Bulacan Gov. Daniel Fernando, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Malolos City Mayor Atty. Christian D. Natividad ang pagdiriwang.

Itinatampok sa selebrasyon ang mahalagang papel ng Bulacan sa kasaysayan ng bansa, partikular sa paghubog ng pamahalaan at pambansang pagkakakilanlan.






