Home METRO DPWH, magsasagawa ng malawakang drainage project malapit sa Manila Bay

DPWH, magsasagawa ng malawakang drainage project malapit sa Manila Bay

3
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng malawakang drainage project ang Department of Public Works and Highways (DPWH) malapit sa Manila Bay para maiwasan ang pagbaha.

Mahigit 2.4 bilyong piso ang halaga na maaring magasta para sa apat na proposed storage area sa ilalim ng drainage improvement plan ng Department of Public Works and Highways-South Manila District Engineering Office o DPWH-SMDEO.

Sakop ng Scheme 1 ang Luneta, Harbor, Manila Bay at P. Ocampo na may pinagsamang kinakailangang storage capacity na halos 98,000 cubic meters.

Aabot ng 350 milyong piso ang estimated construction cost para sa 14,000 cubic meter na storage capacity sa Luneta  habang 367 milyong piso naman sa Harbor para sa 14,680 cubic meters.

Pinakamalaki ang nakaplanong pasilidad sa Manila Bay na may 60,950 cubic meter na storage capacity at tinatayang gastos na mahigit 1.5 bilyong piso.

Samantala, 205 milyong piso ang inilaan na estimated construction cost sa P. Ocampo para sa 8,200 cubic meter na storage capacity.

Bahagi ang mga ito ng drainage improvement plan ng DPWH para mapalakas ang flood mitigation system sa South Manila.

Sa pahayag ni DPWH Sec. Vince Dizon, sa pamamagaitan ng proyekto nito.. inaasahan na mas mapapabilis nlang pagdaloy ng tubig kung saan sakaling magkaroon ng pagbaha ay madali na ito huhupa.

Isa  sa layunin ng proyekto na gumawa ng malaking detention basin na pag-iipunan ng tubig saka ito ilalabas sa pamamagitan ng mga pumping stations. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here