Home NATIONWIDE Eleksyon sa BARMM, matagumpay – Malakanyang

Eleksyon sa BARMM, matagumpay – Malakanyang

3
0

MANILA, Philippines – Para sa Malakanyang, mapayapa at maayos ang idinaos na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), araw ng Lunes, Setyembre 14, 2026.

Ito’y sa kabila ng ilang insidente ng karahasan na nagresulta ng pagkasawi ng iilan.

Tinukoy ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro,, ang initial assessments mula sa Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec) kasunod ng first parliamentary elections sa rehiyon.

“The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Election conducted on Sept. 14, 2026 was generally peaceful and orderly despite some isolated incidents, particularly in Cotabato City,” ang sinabi ni Castro, tinukoy ang report ng PNP.

Base sa inisyal na report, aabot umano sa 82.41% ang high voter turnout na bilang ng mga bumoto sa umuusad pang eleksyon at maaari pa raw itong tumaas. Higit na mas mataas umano ng 4.79% ang talang ito sa 77.62% na voter turnout sa BARMM noong Mayo 2025.

Gayundin, tinukoy ni Castro ang assessment na naitala ng Comelec kung saan may mataas na voter turnout, dahilan para puwedeng magproklama ng mga nnalo matapos ang eleksyon.

At sa tanong kung maikokonsidera ng Malakanyang na matagumpay ang eleksyon kahit pa may ilang nasawi, sinabi ni Castro na hindi palalampasin ng administrasyon ang karahasan sa gitna ng overall assessment ng PNP sa eleksyon.

“Although hindi nanaisin ng Pangulo at ng administrasyon na mayroon pong nangyayaring karahasan at ito naman po ang ipinag-uutos ng Pangulo na bantayan mabuti, protektahan ang ating mga kababayan sa mga ganitong klaseng insidente,” anito.

“But nag-report na po ang PNP. According to PNP, generally peaceful and orderly po iyong naganap na eleksiyon. So, sa pananaw po ng administrasyon ay naging maganda naman po ang naging eleksiyon kahapon sa BARMM,” dagdag na wika nito.

Gayunman, ani Castro, hindi ikinatuwa ni Pangulong Marcos ang napaulat na karahasan at nasawi.

“Kahit isang tao lang po ang nasaktan hindi po ikasasaya ng Pangulo,” anito.

“Kahit sabihin po natin generally peaceful and orderly iyong nangyaring eleksiyon kahapon basta po mayroong kahit isa na nasaktan, hindi po magiging maganda ang pakiramdam ninuman lalung-lalo na ng Pangulo,” dagdag na pahayag ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here