Home NATIONWIDE Disenteng pabahay program ng gobyerno, inaprub ng Senado

Disenteng pabahay program ng gobyerno, inaprub ng Senado

3
0

MANILA, Philippines – Pinuri ni Senador Francis “Chiz” Escudero nitong Lunes, Setyembre 14, ang pag-apruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng Senate Bill No. 2421 o ang Adequate and Decent Housing Through Usufruct Act, na aniya’y magbibigay ng segurado at disenteng tahanan sa milyong mahihirap na Pilipino.

Si Escudero, chair ng Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, ay nagsabing isinasa-institusyon ng panukala ang programang pabahay na magpapahintulot sa mga kwalipikadong benepisyaryo na manirahan at gumamit ng lupang pag-aari ng gobyerno para sa residential purposes sa pamamagitan ng usufruct arrangement, habang nananatili sa Estado ang pagmamay-ari.

“Through usufruct, families will gain the right to live in government housing without the burden of ownership costs, while ensuring transparency and legal protection through contracts registered with the Registry of Deeds,” paliwanag niya.

Naipasa ang SB 2421 sa botong 18 pabor, 0 tutol, at 0 abstention.

Sa ilalim ng panukalang batas, tanging mga kapus-palad na Pilipino na walang sariling real property, at hindi professional squatters o miyembro ng squatting syndicates, ang kwalipikado sa programa.

Ang housing units ay mahigpit na para lamang sa residential use at hindi maaaring ibenta, paupahan, isangla, o ilipat. Ang paglabag ay magkakansela sa usufruct at magdi-disqualify sa lumabag sa mga programa ng gobyerno sa pabahay sa loob ng 10 taon.

Pinapayagan din ng panukala ang local government units at iba pang ahensya ng gobyerno na i-extend ang benepisyo sa mga kwalipikadong personnel bilang bahagi ng kani-kanilang employee housing programs.

Ang Department of Human Settlements and Urban Development ang mangangasiwa sa implementasyon at monitoring, habang ang LGUs ang mamamahala sa mga ari-arian at titiyak sa access sa basic services tulad ng tubig, kuryente, at sanitasyon.

Binigyang-diin ni Escudero na dinisenyo ang panukala para maiwasan ang pang-aabuso habang tinitiyak ang seguridad ng paninirahan para sa tunay na benepisyaryo. Binanggit din niya na ang succession rights ay magpapahintulot sa mga kwalipikadong tagapagmana na magpatuloy sa benepisyo ng pabahay.

Ang panukala ay iniharap sa ilalim ng Committee Report No. 79, na pinagsama ang mga naunang panukalang inihain nina Senators Lito Lapid at Camille Villar.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here