CAVITE, Philippines – Natagpuang patay ang isang 43-anyos na construction worker matapos itong magbigti sa loob ng comfort room ng isang housing project sa Brgy. San Rafael 2, Noveleta, Cavite.
Kinilala ang biktima sa alyas na Crisanto, binata at residente ng Brgy. Sta. Rosa 1 sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ng isang caretaker ang biktima na nakabitin ang leeg gamit ang wire na nakatali sa kisame ng comfort room sa Pabahay compound.
Sinabi ng caretaker na napansin niyang dumaranas ng matinding problema sa pamilya ang biktima at tila nakararanas ng depresyon bago ang insidente.
Wala namang nakitang foul play ang mga rumespondeng imbestigador sa pagkamatay ng biktima. MARGIE BAUTISTA