Home METRO Tambay, naghasik ng gulo; baril, iwinasiwas

Tambay, naghasik ng gulo; baril, iwinasiwas

1
0

MALABON CITY, Philippines – Nabalot ng takot ang mga residente ng isang barangay sa Malabon makaraang maghasik ng gulo at maghamon ng away habang iwinawasiwas ang hawak na baril ang isang tambay kagabi.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, habang nagpapatrulya ang mga kapulisan  sa Brgy. Longos, bigla silang nilapitan  ng isang concerned citizen upang isumbong ang paghahasik ng takot at panggugulo ng suspekna si alyas “Tukmol”  habang nagwawasiwas ng hawak ng baril.

Nang magtungo sa sinasabing lugar ang mga pulis, naaktuhan nila si “Tukmol” na nagsisisigaw at naghahamon umano ng away, hawak ang isang improvised gun kaya maingat siyang nilapitan ng mga pulis.

Nagulat pa ang suspek nang mula sa likuran ay kalawitin siya ng isang tauhan ni P/Maj. Brian Ramirez, Commander ng Malabon Police Sub-Station-5, at kinumpiska kaagad ang hawak na improvised gun o sumpak na kargado ng isang bala ng kalibre .38 baril.

Pinasampahan na ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission ang suspek ng kasong Alarms and Scandal at paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here