Home IN PHOTOS Mataas na singil ng kuryente, power outages binatikos ng mga grupo

Mataas na singil ng kuryente, power outages binatikos ng mga grupo

3
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan nina Partido Lakas ng Masa president Ka Leody de Guzman at Quezon for Environment na si Fr. Warren Puno ang isang press conference nitong Martes, Setyembre 15, kung saan binatikos ang administrasyong Marcos dahil umano sa kabiguan nitong protektahan ang mga mamimili laban sa patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente at mga power outage.

Ayon sa Power for People Coalition (P4P), nabigo ang pamahalaan na tugunan ang mga alalahanin ng mga consumer kaugnay ng krisis sa enerhiya.

Sinabi ng grupo na anim na buwan na ang lumipas mula nang ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pambansang emergency sa enerhiya sa ilalim ng Executive Order No. 110.

Iginiit ng P4P na kailangan ng mas konkretong hakbang ng pamahalaan upang mapababa ang singil sa kuryente at matiyak ang maaasahang suplay ng enerhiya. ERIC OCAPAN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here