Home METRO 9 most wanted, arestado sa Cavite

9 most wanted, arestado sa Cavite

3
0

CAVITE, Philippines – Siyam na kataong nasa listahan ng Most Wanted Persons (MWP) ang magkakasunod na naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t ibang lugar sa Cavite.

Sa Naic, unang naaresto si alyas Dexter, MWP Regional Level, dakong alas-12:59 ng madaling araw sa Sitio Lontoc, Brgy. Timalan Balsahan, sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Section 12, Article II ng RA 9165.

Naaresto rin sa Dasmariñas si alyas John, MWP Regional Level, dakong alas-6 ng gabi sa Brgy. Paliparan III dahil sa kasong qualified rape. Walang inirekomendang piyansa.

Sa Bacoor City, dakong alas-7:15 ng gabi, naaresto si alyas Garoy, MWP Regional Level, sa Progressive Village 7, Brgy. San Nicolas 2, dahil sa paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165.

Sa Imus City naman, naaresto si alyas Rudylyn dakong alas-1 ng hapon sa Brgy. Poblacion 3A dahil sa kasong estafa. May inilaang P20,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Naaresto rin sa Naic Police Station si alyas Antonieta, dakong alas-2:29 ng hapon habang kumukuha ng police clearance. May standing warrant ito kaugnay ng paglabag sa Section 10 ng RA 7610 at may P80,000 piyansa.

Sa isa pang operasyon, naaresto si alyas Junro dakong alas-9:30 ng gabi dahil sa kasong frustrated homicide. May P72,000 piyansa. Nakumpiska rin sa kanya ang tinatayang 2.4 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P16,320.

Sa Carmona City, naaresto si alyas Estilito, MWP Regional Level, dakong alas-11 ng gabi sa Brgy. Catagbacan, San Andres, Catanduanes, sa bisa ng alias warrant dahil sa kasong rape. Walang inirekomendang piyansa.

Naaresto rin si alyas Claire, MWP Municipal Level, dakong alas-9:50 ng umaga sa Brgy. Bacao, General Trias, dahil sa paglabag sa Sec. 24(D), kaugnay ng Sec. 28(E) ng RA 11199. May P72,000 piyansa.

Samantala, naaresto si alyas Paullevy dakong alas-8:10 ng gabi sa Sitio Burol, Brgy. Paliparan II, Dasmariñas City, dahil sa paglabag sa Section 32 ng RA 10591. May inirekomendang P200,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here