Home HOME BANNER STORY Palasyo: Walang special treatment kay Romualdez sa QC Jail

Palasyo: Walang special treatment kay Romualdez sa QC Jail

1
0

MANILA, Philippines — Iginiit ng Malacañang na walang dapat ibigay na special treatment kay dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez habang nakakulong sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na dapat pantay ang pagtrato sa lahat ng akusado, mayaman man, mahirap o makapangyarihan.

“Wala pong dapat na special treatment,” ani Castro.

Kasalukuyang nakadetine si Romualdez sa infirmary ward ng pasilidad matapos siyang ilipat mula sa Philippine General Hospital noong Lunes. Ayon sa DILG, non-airconditioned ang ward at may kasama siyang tatlong iba pang detainee.

Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y bilyun-bilyong pisong kickbacks mula sa mga infrastructure project ng gobyerno. Iginiit naman niyang inosente siya at haharapin ang mga paratang sa korte.

Binigyang-diin din ng Palasyo na nananatiling inosente ang isang akusado hangga’t hindi napapatunayang nagkasala sa hukuman. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here