Home OPINION ‘BAHA NA GANG’ SA QC JAIL

‘BAHA NA GANG’ SA QC JAIL

2
0

NAILIPAT na si dating House Speaker Martin Romualdez sa Quezon City Jail sa Payatas mula sa sa sandaling pagka-confine sa Philippine General Hospital sa Maynila.

At dahil diyan, isa na siyang “Batang City Jail” na maaaring maging MAYOR ng mga preso. Bwar, har, har!

@@

May pangkat ng mga OXO na gustong makuha si Sir Martin para magkaroon raw sila ng BIGTIME na miyembro.

Antabayanan natin kung mangyayari ito kapag isa na siyang KALBO.

@@

Kagaya ni Sen. Jinggoy Estrada, nakulong din si Romualdez sa QC Jail dahil sa kasong plunder o pandarambong sa pondo para sa flood control projects.

Bukod sa kanila, nariyan din sa QC Jail ang ilang tauhan ng DPWH na sangkot sa pambubulsa ng pera para sa proyektong pangkontrol sa baha.

Aba’y kung gayon, maaari na pala silang bumuo ng sarili nilang pangkat.

Ito ay tatawaging pangkat ng BNG o ‘BAHA NA GANG’.

Ooops, sorry sa BCJ, OXO, SPUTNIK at BAHALA NA GANG.

Hek, hek, hek!

@@

Umaabot na sa P19.39 Trilyon sa kabuuan ang utang ng Pilipinas sa kasalukuyan.

Pero mukhang hindi ito iniinda ng administrasyong Bongbong Marcos, Jr.

Sa halip, sinabi mismo ni BBM habang siya ay nasa isang economic meeting ng iba’t ibang lugar sa India, na ang utang ng ating bayang minumutya ay isa lamang NUMERO SA HANGIN. Hehehe.

Hindi natin alam kung nasa TAMANG WISYO ang Pangulo nang sabihin niya ito.

O siya ba ay talagang walang maisip na sasabihin dahil HANGIN na lang ang laman ng kanyang ulo. Araguy!

@@

Hindi ba nakikita ni PBBM na sobrang hirap na hirap na ang mga Pilipino dahil sa laki ng UTANG NA ‘YAN!

Marami tayong mga kababayan na hindi na halos kumakain at natutulog dahil sa kaiisip kung paano sila makaririwasa sa buhay, kahit na sandali lang.

Gumagapang na nga tayo sa sobrang hirap ng buhay, LUMALANGOY pa tayo sa baha. Sanamagan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here