Home HOME BANNER STORY Padilla: Dalhin kaso ng obstruction of justice sa ICC

Padilla: Dalhin kaso ng obstruction of justice sa ICC

2
0

MANILA, Philippines – Mas gusto ni Senador Robin Padilla na humarap sa International Criminal Court (ICC) para sa reklamong obstruction of justice para sa kanya.

Ito ang naging pahayag ni Padilla matapos maghain ng reklamong obstruction of justice ang Philippine National Police laban sa kanya sa pagtulong kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na takasan ang arrest warrant ng ICC.

“Ang kaso ko ay nagmula sa warrant of arrest ng ICC na isang dayuhan. Parang pakiramdam ko discriminated ako… Sana dalhin niyo na lang sa ICC ang kaso tutal sila ang sinasabi na dun ako nagkaroon ng pagkakamali,” sinabi ni Padilla.

“Mataas ang pride ko. Proud naman ako na talagang dayuhan ang kalaban ko, kasi masakit naman na ang nagrereklamo sa akin kapwa ko Pilipino. Masakit para sa akin yun,” dagdag pa niya.

Ipinaliwanag niya na kung ang warrant kay Dela Rosa at kanyang subpoena ay mula sa korte sa Pilipinas ay makakahinga siya ng maluwag.

“Wala naman kasing warrant galing sa atin… Kung gusto niyo magkaroon ako ng kalaban, wag naman kapwa Pilipino, ilaban niyo ako sa dayuhan para may pride naman ako kaunti,” ani Padilla.

Sa kabila nito ay nangako si Padilla na tutugon pa rin sa subpoena ng DOJ at haharap sa mga prosecutor ng ahensya.

“Bilang mamamayan, ayos lang ito. Daraanan natin ito… May due process tayo at naniniwala ako sa due process.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here