Home METRO P.3M iligal na droga nasabat sa HVI na tulak

P.3M iligal na droga nasabat sa HVI na tulak

1
0

MANILA, Philippines – Isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individual (HVI) ang naaresto makaraang nakuhanan ng humigit kumulang P342,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Dasmarinas City, Cavite.

Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang suspek na si alyas Jigger kung saan nakumpiska sa kanya ang humigit kumulang 50.3 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P342,042.00 at buy bust money.

Sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Povincial Drug Enforcemnt Unit (PDEU) at Dasmariasn Component City Police Station (CCPS) sa Barangay Sto Nino 2, Dasmarinas City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kinakaharap ng naarestong suspek na nasa kostudiya ngayon ng Dasmarinas Police. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here