MANILA, Philippines – Walang nakakuha ng mahigit P202 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Miyerkules, Setyembre 16, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang nakatama sa winning combination na 04-07-08-54-51-31 para sa jackpot na P202,471,705.43.
Wala ring nanalo sa Mega Lotto 6/45 matapos walang makakuha sa kombinasyong 24-28-31-12-04-32, na may premyong P58,995,759.32.
Ayon sa PCSO, isa sa 28,989,675 ang tsansa na makuha ang Grand Lotto 6/55 jackpot, kung saan kailangang tamaan ng mananaya ang lahat ng anim na numero. RNT