Home HOME BANNER STORY Duterte matapos humarap sa ICC: ‘Everything I did, I did it for...

Duterte matapos humarap sa ICC: ‘Everything I did, I did it for my country’

1
0

MANILA, Philippines — “Everything I did, I did it for my country.”

Ito ang mensaheng ipinost sa Facebook account ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang personal na humarap sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague nitong Miyerkules, Setyembre 16.

Kalakip ng post ang larawan ni Duterte at ang tulang “Invictus” ni William Ernest Henley.

Unang beses itong personal na pagharap ni Duterte sa ICC courtroom mula nang dalhin siya sa kustodiya ng korte noong Marso 2025.

Nahaharap ang dating pangulo sa kasong crimes against humanity kaugnay ng mga umano’y pagpatay na may kaugnayan sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga. Ayon sa ICC, ang mga alegasyon sa kaso ay saklaw ang panahon mula Nobyembre 2011 hanggang Marso 2019.

Matagal nang iginiit ni Duterte na ang kanyang mga hakbang laban sa ilegal na droga ay ginawa niya para protektahan ang bansa at mga Pilipino. Noong 2021, sinabi rin niyang ginawa niya ang mga ito para sa kapakanan ng bansa at ng mga kabataan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here