Home NATIONWIDE Deed of donation: P75-M kay Marcoleta, suporta sa 2025 Senate bid —...

Deed of donation: P75-M kay Marcoleta, suporta sa 2025 Senate bid — saks

1
0

MANILA, Philippines — Nakasaad sa mga deed of donation na ang P75 milyong ibinigay ng tatlong donor kay Sen. Rodante Marcoleta ay suporta sa kanyang posibleng kandidatura sa pagka-senador noong 2025, ayon sa testimonya ng isang opisyal ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.

Sa pagdinig sa bail petition ni Marcoleta, sinabi ni Field Investigation Bureau Director Maria Melinda Mananghaya-Henson na ang mga dokumentong nilagdaan nina dating kongresista Michael Defensor at mga negosyanteng Joseph Varias Espiritu at Aristotle Baluyut Viray ay nagsasaad na ang donasyon ay kaugnay ng suporta sa posibleng kandidatura ni Marcoleta sa May 12, 2025 elections.

Kapwa akusado ni Marcoleta sa P75-million plunder case sina Defensor, Espiritu at Viray. Kaugnay ang kaso sa alegasyong hindi idineklara ni Marcoleta ang naturang halaga sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Sa parehong pagdinig, ipinalabas din sa korte ang video ng isang 2025 television appearance ni Marcoleta kung saan sinabi niyang inilagay niyang “zero” ang campaign contribution dahil ayaw niyang isiwalat ang pagkakakilanlan ng mga nagbigay sa kanya ng pera.

Nauna namang tumestigo ang isang opisyal ng Commission on Elections na sa position paper ni Marcoleta sa poll body, sinabi nitong natanggap niya ang P75 milyon sa kanyang personal capacity at itinuring itong bahagi ng kanyang personal funds.

Patuloy na dinidinig ng Sandiganbayan Third Division ang kanyang petisyon para sa piyansa. Hindi pa resolusyon sa merito ng plunder case ang mga testimonya sa bail hearing. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here