Home OPINION MGA KASO VS ROMUALDEZ, SUPOT NA WATUSI

MGA KASO VS ROMUALDEZ, SUPOT NA WATUSI

1
0

UMABOT na sa pagbasa ng sakdal ang mga kaso ni ex-Speaker Martin Romualdez na pandarambong, direct at indirect bribery, katiwalian at money laundering.

Nagkakahalaga sa kabuuang P56-P57 bilyon ang sangkot sa mga kasong ito, kasama ang mahigit P7B kaugnay ng flood control scandal.

May kakambal pang mugshot ang pagkakulong nito.

Ang isang kapuna-puna, ang mga kaso ay anyo ng unang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte na isa si Romualdez sa mga may kontrol ng pambansang badyet, kasama si dating Ako Bikol Partylist Representative Zaldy Co.

Pero hindi lang si VP Sara ang nagsasabi nito kundi ang inside informant sa kikbakan na kaharap mismo ni Pangulong Bongbong Marcos — si Navotas Cong. Toby Tiangco.

Klaro ito sa kanilang paghaharap, sina Romualdez, Co, Marcos at Tiangco nang pagtatanungin ng Pangulo sina Romualdez at Co ukol sa kawalan ng mga ito ng kasiyahan sa labis-labis na nilang yaman sa pagbili ng mga mamahaling bahay, sasakyan, alahas at pagkain.

Pinatutungkulan ni Marcos ang pangungulimbat sa kaban ng bayan ng dalawa.

Ang masama pa, gaya ng idiniriin ni VP Sara, alam na alam na ng Pangulo ang pangungulimbat, pinagpipirmahan pa nito ang mga pambansang badyet sa mga taong 2023, 2024, 2025.

Ipinahayag din ni Co na may sariling paningit na P100 bilyon mismo si Marcos na may 20% kikbak.

Sa kabilang ng lahat ng ito, mga brad, wala pang dapat ipagsaya.

Ayon kay Romualdez, inosente siya kaya lalaya at mapawawalang-sala rin siya bukas o makalawa.

Pero ang isang pakatatandaan, hindi pa ito nagsasalita para isama sa kanyang pagbagsak o “not go quietly and will not go alone” ang iba dahil marami siyang nalalaman sa administrasyong Marcos.

Kung hindi mangyayari ito, hindi kaya magiging supot na watusi ang mga kaso laban sa kanya?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here