BIHIRANG-BIHIRA magtanong si Sen. Lito Lapid sa mga testigo sa impeachment trial. Bihira pero dapat ding bigyang pansin.
Tinanong ni Lapid kay Karen Batu, Officer in Charge ng Office of the Ombudsman Central Records Division kung ano ang ‘legal implications’ kapag may misdeclaration ng assets at liabilities para maunawaan ng ordinaryong Pilipino. Ang sagot ng testigo ay violation ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
At walang kagatol-gatol na sinabi ng mambabatas ang katotohanang “walang politiko ang nagsubmit ng tamang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.”
Para kay Lapid, Kalokohan kapag may politikong nagsumite ng kanilang totoong SALN. Karamihan ng politiko, nagtawanan pero walang pumalag sa sinabi ng senador na artista. Kasi, totoo ang sinabi niya.
Honest ba talaga ang mga senator-judge, congressman prosecutor sa paglalahad ng kanilang SALN? Hindi nga?
Itinanong din ni Lapid na kung sakaling may mal isa SALN, ano ang pwedeng gawin? Sagot ng testigo “the public official can correct errors in their previous SALN based on the guidelines.”
Eh ang tanong, ang tanggapan b ani Batu ay umaaksyon upang i-verify kung tama ang SALN na ipinasa sa kanila?
Inamin ni Batu na ang opisina niya ay limitado sa pagtanggap ng mga dokumento dahil REPOSITORY lang ng mga submitted SALN ang kanyang tanggapan. Sa madaling salita, nagiging taguan lang ng mga papel at trabaho nila ay tanggapin lang ang mga ito. Kaya hindi ibig sabihin ay alam nila kung tama o mali ang nakapaloob o ang nilalaman ng SALN na isinumite ng politikong nasa posisyon at ibang empleyado ng gobyerno.
Kaya kapag pinag-isipan, parang sinabi na rin ng senador na ” kalokohan na ang ipapasang SALN ng politiko ay tama.”
Si Pangulong BBM kaya ay agree sa sinabi ni Lapid?
Mukhang sa article of impeachment na ito, alam na natin ang maaaring boto ni Senator Judge Lito Lapid.






