Home METRO Visayas grid isasailalim sa yellow alert ngayong Huwebes

Visayas grid isasailalim sa yellow alert ngayong Huwebes

2
0

MANILA, Philippines — Isasailalim sa yellow alert ang Visayas grid mula alas-5 hanggang alas-7 ng gabi ngayong Huwebes, Setyembre 17, dahil sa manipis na reserba ng kuryente, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Batay sa abiso ng NGCP alas-8 ng umaga, nasa 2,505 megawatts (MW) ang available capacity ng Visayas grid habang tinatayang aabot sa 2,290 MW ang peak demand.

Kabilang sa nakaapekto sa suplay ang patuloy na pagkawala sa operasyon ng Unit 1 ng Therma Visayas Inc. at Unit 3 ng Panay Energy Development Corp.

Ayon sa NGCP, 12 planta ang kasalukuyang unavailable ngayong Setyembre habang 14 pang planta ang tumatakbo sa derated o mas mababang kapasidad.

Umabot sa 820.6 MW ang kabuuang kapasidad na hindi available sa grid.

Naglalabas ng yellow alert kapag hindi sapat ang operating margin ng grid upang matugunan ang kinakailangang contingency reserve. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here