MANILA, Philippines — Hindi hihiling si Sen. Rodante Marcoleta sa Sandiganbayan ng pansamantalang paglaya o furlough para makaboto sa usapin ng kinakailangang bilang ng boto para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
“No, I will not move for a furlough just to vote for the threshold,” sinabi ni Marcoleta matapos ang kanyang bail hearing nitong Huwebes, Setyembre 17.
Iginiit ng senador na nakasaad na sa 1987 Constitution ang requirement para sa conviction sa impeachment case.
Sa ilalim ng Article XI, Section 3(6) ng Konstitusyon, walang maaaring ma-convict sa impeachment nang walang pagsang-ayon ng two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado. Sa 24-member Senate, katumbas ito ng 16 boto.
“Nobody has a right to change the Constitution,” ani Marcoleta.
Kasalukuyang nahaharap ang senador sa kasong plunder kaugnay ng umano’y P75 milyong campaign contributions na natanggap niya noong 2025 elections.
Sa pagdinig sa Sandiganbayan, tumestigo ang isang opisyal ng Office of the Ombudsman na si Marcoleta umano ang humingi ng donasyon mula sa negosyanteng si Aristotle Viray. Kapwa akusado sa kaso sina Viray, dating Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor at negosyanteng Joseph Espiritu. RNT