Home NATIONWIDE Child rights group nagpahayag ng pangamba sa Social Media Safety Bill

Child rights group nagpahayag ng pangamba sa Social Media Safety Bill

1
0

MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ng Child Rights Network (CRN) ang pag-apruba ng House of Representatives sa substitute bill para sa Children’s Social Media and Online Gaming Safety Act, ngunit nagpahayag ng pangamba sa ilang probisyon nito.

Inaprubahan ng House Committee on Welfare of Children noong Sept. 7 ang panukala na pinagsama ang 41 magkahiwalay na measures. Layunin nitong magtakda ng minimum age requirements, palakasin ang parental oversight at magpatupad ng mas mahigpit na safety standards sa social media at online gaming platforms.

Ayon sa CRN, mas mainam ang bagong bersyon dahil lumayo ito sa blanket ban at nakatuon sa “safety by design” at “safety by default.”

Gayunman, tinutulan ng grupo ang blanket requirement para sa parental consent bago makagamit ng social media ang mga bata, gayundin ang panukalang paghihigpit sa short-form videos o reels.

“Not every child has safe, non-abusive, or available parents. A blanket requirement for parental consent assumes that every child has a parent who is able or willing to provide that consent,” pahayag ng CRN.

Babala ng grupo, maaari itong maging dagdag na hadlang sa mga batang nangangailangan ng tulong online, lalo na sa mga emergency, abuso o trafficking. Maaari rin umanong gumamit ang ilan ng pekeng edad, borrowed accounts o lumipat sa hindi reguladong online spaces upang malusutan ang requirement.

Iginiit ng CRN na pangunahing responsibilidad ng mga online platform ang kaligtasan ng kanilang mga batang gumagamit at hindi dapat ipasa lamang sa mga magulang.

Ayon naman kay Pasig City Rep. Roman Romulo, chair ng House Committee on Basic Education and Culture at pinuno ng technical working group na bumuo ng panukala, dapat pagdesisyunan ng buong House sa plenary deliberations ang usapin ng parental consent.

Kasama rin sa tinututulan ng CRN ang pagbabawal sa short-form videos. Anila, hindi ang format ang problema kundi ang harmful content at unsafe features ng mga platform.

Sa ilalim ng panukala, bawal gumawa o magpanatili ng social media account ang mga batang wala pang 13. Para naman sa edad 13 hanggang 17, kinakailangan ang non-algorithmic feeds at paghihigpit sa endless scrolling, autoplay at short-form video loops.

Maaari ring paghigpitan ang intrusive notifications, behaviorally targeted advertising, precise geolocation tracking at direct messaging mula sa hindi kilalang adults, bilang default safety measures.

Patuloy na makikilahok ang CRN sa proseso ng paggawa ng batas at dadalhin nito ang mga concerns sa Senado, habang itinutulak ang proteksyon sa mga bata nang hindi nalilimitahan ang kanilang karapatang matuto, magpahayag, makilahok at makipag-ugnayan online. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here