Home METRO Kapasidad ng mga drainage sa MM, pina-upgrade ng pamahalaan

Kapasidad ng mga drainage sa MM, pina-upgrade ng pamahalaan

3
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-upgrade at pagpapalawak ng drainage systems sa buong Metro Manila upang mapabilis ang daloy ng tubig-ulan at mabawasan ang pagbaha.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, minamadali na ang 1.3-kilometrong drainage improvement project sa Sumulong Highway sa Marikina City gamit ang 2-meter High-Density Polyethylene (HDPE) pipes.

Sinabi ni Dizon na palalawakin din ang iba pang drainage sa Metro Manila, matapos bigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangang i-upgrade ang mga lumang drainage system na karamihan ay itinayo pa noong post-World War II.

Sa pagpapalaki ng diameter at kapasidad ng mga drainage pipe, inaasahang mas mabilis na mailalabas ang tubig-ulan at mababawasan ang epekto ng malawakang pagbaha sa mga mabababang lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here