Home NATIONWIDE DOTR kinastigo sa kawalan ng kusang-palo sa pagkukumpuni ng airport

DOTR kinastigo sa kawalan ng kusang-palo sa pagkukumpuni ng airport

1
0
CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Mistulang kinastigo ni Senador Erwin Tulfo ang Department of Transportation (DOTr) sa kawalan ng pagkilos upang kumpuhin ang lahat ng airport partikular ang maliliit na paliparan upang umunlad ang lokal na turismo.

Dahi dito, hinimok ni Tulfo ang ahensiya nitong Biyernes   na ayusin ang kalagayan ng mga airports at gawing mas abot-kamay upang mapaunlad  ang domestic tourist arrivals.

Sa pagdinig ng Senado sa 2027 proposed budget ng Department of Transportation, binigyang-diin ni Tulfo ang malaking problema ng pagbaba ng local tourism dahil]mahirap yung sakayan papunta sa mga destinations.

“Ang dami nating mga isla na magaganda na mapupuntahan lang lulan ang turboprop, kaso lang, kailangan pa pumunta sa Clark Airport ng mga turista para  makasakay. May pwede bang magawa rito?” tanong ng Senador sa mgarepresentante ng DOTr.

“Nakapag-ikot-ikot po ako sa buong Pilipinas nitong mga nakaraang buwan at bumaba na talaga yung arrivals sa domestic tourist destinations. Kailangan may magawa tayo tungkol dito. Gawin nating accessible yung transportasyon,” dagdag niya.

Sagot naman ni DOTr Secretary Giovanni Lopez, tinitingnan nila ang pagpapahaba at pagpapalawak ng runways para maresolba ang isyung ito.

Gayunpaman, nilinaw rin ni Lopez na may limitasyon sa espasyo sa ilang lugar na maaaring maging airports.

Para naman kay Sen. Erwin, dapat na rin pagtuunan ng pansin yung paglalagay ng mga tubes para mas maging madali ang biyahe sa mga pasahero at turista, lalo na ang mga senior citizens at mga turista.

“Dapat magkaroon na ng polisya ang DOTr na kapag may disenyo ng airports, kasama na doon yung may tube. Common sense na concern po ito ng mga kababayan natin,” anang mambabatas. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here