MANILA, Philippines – Nakiisa ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa International Coastal Cleanup 2026 na ginanap sa Manila Baywalk Dolomite Beach, Roxas Boulevard, Manila.
Layunin ng aktibidad na isulong ang kalinisan at pangangalaga sa mga baybayin at karagatan sa ilalim ng temang “Clean Seas for Resilient Communities.”
Ayon sa MARINA, bahagi ng kanilang pakikiisa ang patuloy na suporta sa mga programang nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan at sustainable maritime development. Jocelyn Tabangcura-Domenden