Home NATIONWIDE South Cotabato school shooting, kinondena sa Senado

South Cotabato school shooting, kinondena sa Senado

1
0

MANILA, Philippines – Matinding kalungkutan ang namayani ngayon sa Senado sa panibagong school shooting sa isang paaralan s a South Cotabato na ikinamatay ng tatlong estudyante at ikinasugat na walo pang iba.

Sa magkakahiwalay na pahayag, kapwa kinondena nina Senate President Sherwin Gatchalian at Senador Bam Aquino ang naturang karahasan saka nanawagan sa awtoridad na mabilis na kumilos at protektahan ang iba pang mag-aaral at guro sa paaralan.

Kasabay nito, bukod sa nakiramay sa pamilya ng biktima ang dalawang mambabatas, hinikayat din ni Senador Risa Hontiveros ang pamahalaan na kaagad kumilos upang hindi magsilbing “bagong normal na pangyayari ang naturang karahasan sa loob mismo ng paaralan.

“I strongly condemn the shooting incident in Banga National High School in South Cotabato. I urge our law enforcement authorities, local officials, and the Department of Education to conduct a swift and thorough investigation and extend all possible assistance to the victims,” ani Gatchalian.

“Hindi dapat maging normal ang karahasan sa ating mga paaralan. Patuloy na makikipagtulungan ang inyong lingkod sa lahat ng sektor upang palakasin ang school safety measures at protektahan ang bawat batang Pilipino. My thoughts are with the learners, their families, teachers, and personnel amid this tragedy,” dagdag ng senador.

Tatlong estudyante ang nasawi habang walo ang sugatan sa pamamaril na naganap sa loob ng paaralan pasado ala-1 ng hapon nitong Biyernes, Setyembre 18, kung saan isa sa mga nasawi ay pinaniniwalaang ang bumaril na nagbaril sa sarili.

Sianbi naman ni Aquino na bilang isang ama,  “lubha tayong nababahala na mayroon na namang namatay sa loob ng ating paaralan na dapat ay ligtas na lugar para sa ating mga estudyante.”

“Nananawagan muli tayo sa pamahalaan na madaliin ang pagtiyak na ligtas ang ating mga paaralan at mga komunidad para sa ating mga estudyante at mga guro,” giit ng senador.

Aniya, “huwag tayong masanay na nangyayari ito. Huwag natin payagang maging normal ang school shooting sa ating bansa. Kailangan natin magsama-sama para sa kaligtasan at kinabukasan ng ating kabataan.”

Hiniling naman ni Hontiveros sa pamahalaan na tugunan ang lahat ng aspeto ng panibagong pamamaril sa loob ng paaralan na ikinamatay ng tatlong estiudyante at ikinasugt ng walo pa sa pinakahuling school shooting na naganap sa South Cotabato.

Sa pahayag, bukod sa nakiramay si Hontiveros sa pamilya ng biktima, at buong lalawigan, hiniling ni Hontiveros sa awtoridad na tugunan ang lat ng aspetong nagreresulta sa kapahamakan ng mga mag-aaral.

 “Nakakadurog ng puso na may isa na namang school shooting sa ating bansa. Nakikiisa at nakikiramay ako sa lahat ng kababayan natin sa South Cotabato. Bukas po ang aming opisina sa anumang tulong na kailangan ninyo,” ani Hontiveros.

Binigyang-diin ng senadora na hindi dapat maging new normal ang ganitong insidente at kailangang tugunan ng gobyerno ang lahat ng aspetong nagreresulta sa kapahamakan ng mga bata.

“This cannot be our new normal. Kailangan nating tugunan ang lahat ng aspeto na nagreresulta sa kapahamakan ng mga bata — mental health, parental supervision, gun access, school security, nihilistic violent extremism (NVE), and the role of online platforms in fueling radicalization and violence among the youth,” aniya.

Ayon kay Hontiveros, panimulang hakbang na ang Sagip Bata Act na tinatrabaho sa Senado na magpapalakas sa law enforcers sa pagsugpo sa NVE, ngunit hindi ito sapat.

“But one measure will never be enough. Government needs to do a real accounting of how we are failing our children. No child should have to fear going to school. Pangalawang tahanan ng bata ang eskwelahan kaya dapat itong maging espasyo hindi lamang ng karunungan, kundi ng kapayapaan,” dagdag niya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here