Home NATIONWIDE Kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas apektado ng Habagat

Kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas apektado ng Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Apektado ng Habagat ang kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas ngayong Linggo, Setyembre 20.

Ayon sa PAGASA, ang Western Visayas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, at Palawan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.

Ang Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, at Romblon ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil din sa kaparehong weather system.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here