MANILA, Philippines – Nakiisa si dating Senadora Cynthia Villar at ang Villar Foundation sa International Coastal Cleanup na isinagawa noong Sabado, Setyembre 19, sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park.
Pinaalalahanan ni Villar na nagsisimula sa bawat isa ang pagpapanatili ng malinis na baybayin at hindi nagtatapos sa araw ng cleanup ang responsibilidad sa kalikasan.
Aniya, dapat maging bahagi ng araw-araw na gawain ang pangangalaga sa kapaligiran. CESAR MORALES







