Home NATIONWIDE CBCP nanawagan sa mga bagong halal na miyembro ng BARMM parliament: Kapayapaan...

CBCP nanawagan sa mga bagong halal na miyembro ng BARMM parliament: Kapayapaan palakasin

2
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga bagong halal na miyembro ng parliamento ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na palalimin ang dayalogo at palakasin ang pagsisikap para sa kapayapaan sa rehiyon matapos ang kauna-unahang parliamentary elections.

Binanggit ang encyclical letter ni Pope Leo XIV na “Magnifica humanitas,” sinabi ng CBCP na ang kapayapaan ay “hindi isang muwang na pag-asa o kawalan lamang ng digmaan” dahil nangangailangan itong “magkakilala, maggalangan, at matutong maglakad nang magkakasama.”

Hinihikayat ni CBCP President Gilbert Garcera sa isang pastoral statement matapos ang halalan ang mga lider ng relihiyong Muslim at Kristiyano, kasama ang mga katutubong komunidad, na palalimin ang dayalogo at palakasin ang mga istruktura ng kooperasyon para sa kapayapaan.

“Nawa’y mamuno sila (BARMM parliament) hindi para sa personal o partisan na interes, kundi para sa kabutihang panlahat ng lahat — Muslim, Kristiyano, Katutubo, at bawat komunidad sa loob ng Bangsamoro,” dagdag pa niya.

Inilarawan ni Garcera ang makasaysayang halalan sa Bangsamoro bilang isang “mahalagang milestone” sa patuloy na paglalakbay ng rehiyon tungo sa “pangmatagalang kapayapaan, katarungan, pagkakasundo, at tunay na sariling pamamahala.”

Hinimok niya ang BARMM parliament na gawing “tahanan para sa lahat” ang rehiyon sa pamamagitan ng pagprotekta sa dignidad, karapatan, at kalayaang panrelihiyon ng bawat tao at komunidad.

Isinagawa ang kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM noong Lunes, Setyembre 14, na may final voter turnout na 84.34%. Katumbas ito ng 2,018,478 botante mula sa 2.393 milyong rehistradong botante sa rehiyon.

Ang 80 bagong halal na miyembro ng Parliament ay manunumpa sa tungkulin sa Oktubre 30 at maghahalal ng chief minister ng rehiyon. Ang unang nahalal na opisyal ay maglilingkod ng limang taon hanggang Hunyo 30, 2031. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here