MANILA, Philippines – Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang special non-working days sa pitong lokalidad sa bansa para bigyang-daan ang mga residente na makilahok sa kani-kanilang founding, charter o fiesta celebrations.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1437, ang Setyembre 21, Lunes ay isang special non-working day sa Aguinaldo, Ifugao.
Minarkahan ng munisipalidad ang founding anniversary nito ngayong Linggo.
Sa hiling ng Office of the Mayor, ang holiday ay inilipat ng Setyembre 21.
Nag-isyu rin si Marcos ng Proclamation No. 1438 na nagdedeklara ng special non-working day sa Tayabas, Quezon sa Martes, Setyembre 29 sa selebrasyon ng pista nito.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1439, ang Setyembre 30 ay idineklara ring special non-working day sa Bagabag, Nueva Vizcaya, para sa founding anniversary ng munisipalidad.
Idineklara rin ng Pangulo ang Oktubre 2, Biyernes, bilang special non-working day sa Dinagat Islands sa ilalim ng Proclamation No. 1440 bilang selebrasyon ng charter anniversary nito.
Samantala, idineklara ring special non-working day sa ilalim ng Proclamation No. 1441 ang Oktubre 5, Lunes, sa Del Gallego, Camarines Sur, na marka ng founding anniversary nito.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1442, ang Oktubre 7 ay idineklarang special non-working day sa Guipos, Zamboanga del Sur, para sa 35th Araw ng Guipos sa nasabing bayan.
Dagdag pa, nag-isyu naman ng Proclamation No. 1443 sa Oktubre 8, Huwebes, bilang special non-working day sa City of Koronadal, South Cotabato, sa selebrasyon ng 26th Charter Anniversary.
Ang lahat ng proklamasyon ay pinirmahan noong Setyembre 15 ni Executive Secretary Ralph Recto, sa kapangyarihan ni Pangulong Marcos. RNT/JGC