MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa opisina ng Land Transportation Office – National Capital Region (LTO-NCR) sa G. Araneta Avenue sa Barangay Santo Domingo, Quezon City nitong Linggo ng umaga, Setyembre 20.
Sa report, inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung saang palapag nagsimula ang sunog.
Ang sunog na nagsimula alas-11 ng umaga ay itinaas sa unang alarma.
Hindi pa matukoy ang halaga ng pinsala sa insidente. RNT/JGC