MANILA, Philippines – Isang babae ang namatay makaraan umanong masangkot sa isang insidente ng pananakit habang bumibili ng pagkain malapit sa kanyang tirahan sa Sitio Malabon, Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite.
Sa report, kinilala ang biktima na si alyas na Maria, na hindi na nakaligtas matapos ang insidente.
Kinilala naman ang suspek na si alyas Metodio, na mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-7:30 ng gabi nang lapitan umano ng suspek ang biktima habang bumibili ito ng pagkain malapit sa kanilang bahay.
Nabatid na nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa umabot ang palitan ng masasakit na salita.
Sa nasabing komprontasyon, bumunot umano ng patalim ang suspek at kaagad na inundayan ng saksak ang biktima.
Ayon sa mbestigador, may dati nang hindi pagkakaintindihan ang suspek at ang biktima ng magkaroon ito ng pagtatalo may isang araw na ang nakalipas kaugnay sa isang tsismis na sinabi ng biktima tungkol sa suspek.
Nagsagawa naman ng examination ang ang Scene of the Crime Operations (SOCO) sa lugar habang patuloy naman ang follow-up investigation ng pulisya inactivate na rin ang tracker/follow-up team at sinusuri ang mga CCTV footage sa paligid ng pinangyarihan upang makatulong sa kinaroroonan ng suspek. MARGIE BAUTISTA